Ito ang unang pagkakataon ng panganay na anak ko na makasama sa fieldtrip. Madaming lugar silang pinuntahan at dahil siya ay mahiluhin sa biyahe at hindi sanay sa mga matataong lugar, ako sy sumama na din sa field trip na ito. Huli nilang pinuntahan ay ang SM Mall of Asia na tunay namang napakalawak at napakadaming tao. Gabi na nang marating naming ito. Ayaw ng anak ko na magdidikit ako sa kanya dahil nahihiya siya na siya lang ang may kasamang chaperon. Ngunit kahit lumalayo siya sa akin, hindi ko inaalis ang aking mga mata sa kanya sa takot na baka mawala o maligaw siya sa dami ng taong nandoon. Ang larawang ito ay kuha sa SM Science Discover Center sa SM Mall of Asia. Ang anak ko ay ang batang naka kulay rosas na sweater at berdeng jogging pants.

Masayang Huwebes mga Ka-LP!

2 comments:

fortuitous faery said...

grabe, sa mall na sila nagfi-field trip ngayon. dati sa nayong pilipino at luneta o manila zoo lang. :P

mirage2g said...

ay dati after ng nayong pilipino at luneta, shang kami :D kakamiss yan ah!

Post a Comment